Mga bumibisita sa mga sementeryo sa Metro Manila, dagsa na!

69

Dagsa na ang mga bumibisita sa mga sementeryo ngayong araw sa Metro Manila, bago ito isara bukas, Oct 29, 2021.

Sa Loyola Memorial Park sa Marikina City, madaling araw pa lang ay marami nang bumibisita sa mga mahal nila sa buhay na namayapa na.

Ilang pamilya na rin ang dumalaw na sa Libingan ng mga Bayani sa Taguig City.


Sa Manila Memorial Park sa Sucat, Parañaque City, ilang miyembro ng pamilya Aquino naman ang bumisita na rin sa museleyo nina dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III at mga magulang niya na sina dating Presidente Corazon Aquino at dating Senador Benigno “Ninoy” Aquino Jr.

Nagpadala naman ng bulaklak si Pangulong Rodrigo Duterte sa museleyo ng pamilya Aquino.

Facebook Comments