Mga bumibisita sa PMA, hindi na muna pinapapasok

Pansamantala munang hindi pinapayagang makapasok ang mga bumibisita sa loob ng Philippine Military Academy (PMA) sa Fort Del Pilar sa Baguio City.

Ayon kay PMA spokesperson Captain Cherryl Tindog, ang pagbabawal sa mga bisita ay bahagi ng kanilang precautionary measures para makaiwas ang mga nasa loob ng akademya sa sakit na Novel Coronavirus Acute Respiratory Disease o nCoV.

Sinabi ni Tindog maari namang dumalaw sa akademya ang mga magulang at kamag-anak ng mga kadete pero dapat ay may pahintulot ng PMA health practitioners.


Sinuspendi na rin ng akademya ang weekend leaves, privileges at official businesses ng mga kadete sa labas ng PMA.

Pero lahat ng aktibidad at pagsasanay ng mga kadete sa PMA ay tuloy-tuloy.

Kaugnay nito nagsagawa na ang mga personnel ng Fort Del Pilar Station Hospital ng information dissemination sa mga kadete at personnel ng PMA patungkol sa coronavirus at paano makakaiwas dito.

Kaya namang ang malimit na paghugas ng kamay ay ipinatutupad na sa Fort del Pilar sa kasalukuyan at mahigpit ang monitoring ng mga PMA health practitioner sa physical condition ng mga nasa loob ng PMA.

Facebook Comments