Mga bumisita sa Manila South Cemetery, umabot na sa mahigit 4K

Mahigit apat na libong indibidwal na ang naitala ng Philippine National Police (PNP) na bumisita sa Manila South Cemetery ngayong umaga.

Batay sa kanilang datos kaninang 11 ng umaga, 4,361 ang bilang ng mga indibidwal na bumisita.

Sa bilang na ito, 2,331 ang agad na umuwi habang 2,030 ay nanatili sa loob ng sementeryo o crowd inside.


Nakakumpiska naman ang Philippine National Police (PNP) sa mga bumisita sa Manila South Cemetery ng 373 pakete ng sigarilyo, 160 lighter at 8 matatalim o matutulis na bagay.

Ang Manila South Cemetery ay bukas mula alas-5 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon hanggang sa November 2.

Paaalala pa rin ng mga awtoridad sa sementeryo sumunod sa health protocols dahil nanatili ang pandemya.

Kailangan magpakita ng vaccination card ang mga menor de edad na papasok sa Manila South Cemetery, habang hindi hinihikayat ng mga awtoridad ang mga hindi bakunado na tumungo sa Manila South Cemetery.

Facebook Comments