Higit kumulang 200 pirasong bungo at buto na natagpuang nakakalat lamang sa loob at labas ng Manila North Cemetery ang binigyan ng maayos na libing.
Ayon kay Manila North Cemetery Director Yayay Castañeda, natagpuan lang ang mga bungo at buto na nakakalat at tinapon kung saan saang bahagi ng sementeryo.
Dagdag ni Castañeda, ito ay paraan ng pagbibigay ng respeto at dignidad sa mga yumaong mahal natin sa buhay.
Isinagawa ang mass graving matapos sabihin ni Manila Health Department chief Dr. Arnold Pangan sa isang memorandum na hindi na makilala at hindi na ma-trace kung kanino ang mga bungo at buto na nakolekta.
Pinangunahan ni Rev. Fr. Artemio “Tem” Fabros, Parish Priest ng San Jose de Manggagawa de Manuguit Church ang pagbasbas sa mass graving.