MGA BUNTIS SA DAGUPAN CITY, NAKATANGGAP NG LIBRENG SERBISYONG MEDIKAL

Daan-daang mga buntis sa Dagupan City ang nakatanggap ng libreng serbisyong medikal mula sa lokal na pamahalaan sa ginanap na Buntis Congress ng lungsod bilang bahagi rin ng selebrasyon sa National Women’s Month.
Ilan sa mga serbisyong medikal na inihatid para sa mga buntis ay libreng prenatal check up kung saan sumailalim dito ang nasa 425 na mga buntis, mayroon ding ultrasound, mga nag-undergo ng urinalysis, at ilan pang mga serbisyong medikal para sa mga buntis.
Ayon sa alkalde ng lungsod, patuloy lamang umano sa paglilingkod at pagbibigay serbisyo ang kanilang City Health Office at mga volunteers para makapagbigay at mabantayan ang kalusugan ng mga kababaihan lalo na ang mga nasa pagbubuntis para matulungan silang maging malusog at malakas sa kanilang pagdadalang tao.

Bukod sa check up ay mayroon din ilang aktibidad na ginanap gaya na lamang ng Breast and Cervical Cancer Screening – Breast Examination & Visual Inspection with Acetic Acid (VIA) para sa mga non-pregnant women.
Ang pagsasakatuparan naman ng programang ito ay sa pagtutulungan ng Philippine Obstetrical and Gynecological Society Region 1, Northwestern Luzon Chapter, Pangasinan Medical Society, Inner Wheel Club of Uptown Dagupan District 379 at lokal na pamahalaan ng Dagupan. |ifmnews
Facebook Comments