LIBRENG CT SCAN, HANDOG PARA SA MGA INDIGENT DAGUPEÑOS

Mag-uumpisa ngayong araw, March 13 ang handog ng lokal na pamahalaan ng Dagupan na libreng computerized tomography o CT Scan partikular para sa mga indigent Dagupeños ng lungsod.
Naging posible naman ito sa pamamagitan ng License to Operate na natanggap ng lokal na pamahalaan mula sa Department of Health (DOH) at Food & Drug Administration (FDA).
Pangunahing tulong ng nasabing CT Scan ang pagtukoy at pagsusuri sa loob na bahagi ng katawan ng mga sakit o anumang kondisyon. Makatutulong din ang CT Scan sa pagtukoy sa mismong lugar na kinaroroonan ng mga tumor, impeksyon, o pamumuo ng dugo sa loob ng katawan.

Samantala, available ang nasabing serbisyong medikal tuwing Lunes hanggang Biyernes, 8:00 a.m. to 5:00 p.m. |ifmnews
Facebook Comments