Mga business tycoons, tiyak na makikinabang sa labanan ng speaker sa Kamara

Naniniwala ang isang kongresista na labanan ng mga business tycoons ang usapin sa Speakership sa 18th Congress.

Ayon kay ACT TEACHERS Rep. Antonio Tinio, halata namang gyera ng mga dambuhalang negosyante ang isyu ng Speakership para maisulong ang kanilang mga pansariling interes sa mga ilalatag na legislative agenda.

Aniya, may business interests ang mga negosyante sa mga inaaprubahang sektor sa Kamara tulad ng kuryente, tubig, telecommunications, fuel at transportasyon.


Sinasabing si Marinduque Rep. Lord Allan Velasco, isa sa mga speaker-aspirant, ay suportado umano ng negosyante na si Ramon Ang.

Si Ang ay nagbi-bid sa 53% ng P3-trillion worth ng major infrastructure projects sa Build Build Build Program ng Duterte administration.

Samantala, hinamon ng isang political analyst ang ruling party PDP-Laban na talakayin ang napabalitang vote-buying sa speakership na mula sa kanilang kampo.

Facebook Comments