Rizal, Kalinga- Usap-usapan ngayon sa larangan Siyensya ang hinuhukay na mga kasangkapang bato na ginamit noon at mga buto ng hinihinalang sinaunang hayop o tao sa bayan ng Rizal, Kalinga.
Sa eksklusibong panayam ng RMN Cauayan kay Mayor Marcelo Dela Cruz ng Rizal, Kalinga, aniya ang nakita at hinuhukay na malaking buto nitong nakaraang huwebes, June 21,2018 ay mas malaki kumpara sa mga naunang nahukay sa naturang Archaeological Site.
Palaisipan umano para sa mga mananaliksik mula sa iba’t ibang panig ng mundo na ngayon ay nakatutok sa paghuhukay ng mga bato at buto ng ilang parte ng sinasabing sinaunang hayop o tao na maaring napadpad at nabuhay ng 709,000 na taon.
Sinabi pa ni Mayor Dela Cruz na mas nakikilala at pinag-uusapan ang bayan ng Rizal, Kalinga dahil sa ginagawang pag-huhukay at pag-aaral ng mga International at National Archaelogist dahil sa pinakahuling nahukay na buto kung saan nakatakdang dalhin ito sa bansang France para isailalim sa siyentipikong pagsusuri.
Binigyan diin rin ni Mayor Dela Cuz na pinatututukan na umano ni Pangulong Duterte sa National Museum ang nasabing bagay at nakatakdang pag-uusapan ito sa susunod na pagpupulong ng mga gabinete ng pangulo.
Unang nailathala noong May 3, 2018 sa isang pahayagan ng France ang mga nahukay na stone tools at nadiskubreng buto ng mga sinaunang hayop na naging tanyag sa buong Europe.
Matatandaan na naideklara ang Cagayan Valley at Kalinga-Apayao bilang Archaeological Site noong panahon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos sa pamamagitan ng isang PD 1109 na isang Archaeological Reservation base sa preliminary findings na maaring naging tirahan ng mga sinaunang tao at hayop dito sa bansa.