MGA CANDLE VENDORS AT PARKING BOYS SA MANAOAG, IPINATAWAG NG LGU DAHIL SA REKLAMONG OVER PRICING

Kinumpirma sa IFM Dagupan ni Manaoag Mayor Jeremy Agerico Doc Ming Rosario na nagpatawag agad siya ng meeting kasama ang mga Candle Vendors ng bayan maging mga Parking Boys upang pag usapan ang kaugnay sa naunang reklamong over pricing.
Ayon sa alkalde, bagamat deleted na ang nasabing post, hindi nila ito pinalampas dahil naalarma sila lalo na at inaasahang dadagsa ang mga tao sa bayan ngayon long weekend.
Nilinaw naman ng mga vendors na bagamat may ilan nga sa kanila ang labis-labis maningil ay iginiit nila na marami pa rin sa ka nila ang naghahanapbuhay ng patas at nagbebenta sa tamang presyo.

Nauna na ring inilatag sa kanila ng alkalde ang planong pagpapatupad ng standard na presyo sa lahat ng mga kandila, religious articles, souvenirs, pasalubong, parking fee at iba pa. Dagdag pa rito ang pagkakaroon ng ID at uniform para sa lahat ng lehitimong vendors at stall owners at maging ang pagtatalaga ng hotline para sa mga bisita at turista kung saan maaari nilang i-report ang anumang pagmamalabis sa paniningil.
Hangad aniya ng LGU na magkaroon ng maayos at tuloy-tuloy na pagkakakitaan ang lahat ng mga nagtitinda sa paligid ng simbahan sa pamamagitan ng pagbibigay ng magandang karanasan sa mga bisita at turista upang patuloy na tangkilikin ang mga produkto at serbisyong handog ng Manaoag. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments