Hindi na mahihirapan pa ang mgadriver ng cargo trucks ngauong ikatlong araw nang pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine sa buong Luzon, dahil mas mabilis na ngayong nakadaraan ang mga cargo sa Checkpoint sa kahabaan ng Marcos Highway na nagkonekta sa Marikina at Rizal, kung saan ay tumatalima na ang mga tauhan ng Regional Mobile Force Batallion sa kautusan na bigyang prayoridad ang mga cargo trucks.
Ilan sa mga ito ang mga kargang gulay, bigas, hayop, medical supplies at iba pa.
Tuloy tuloy na ang kanilang pagdaan dahil mayroon ng apat na linya ang nakalana sa Checkpoint,kung dati, magulo at hindi organisado, ngayon ay organisado na ang pila ng mga sasakyan.
Kapansin pansin na mayroong isang linya para sa motorsiklo at mga naglalakad na residente,dalawa para sa pribadong sasakyan at cargo at 1 pang linya naman na Emergency Lane para sa mga ambulansya at Health workers.
Maliban dito, ginawang 3 layered ang Checkpoint sa Marcos Highway na nagdudugtong sa Marikina, Rizal at Antipolo.
Sa unang harang, paparahin ang mga motorista at papatanggal ang helmet nila.
Pagkatapos nito dadaan sila sa checkpoint at panghuli ay susuriin ang kanilang temperatura gamit ang Thermal Scanner.
Para naman sa mga pribadong sasakyan at cargo, hahanapan lang sila ng mga ID at iche-check ang temperatura at pagkatpos noon ay dire-diretso na sila.
Dahil sa mas organisadong sistema sa checkpoint, nabawasan ang trapiko sa magkabilang linya ng Marcos Highway.