Mga cargoes na nasa loob ng PPA Surigao Del Norte nakatakdang makalabas na bukas. Ito ang binigyangdiin ni Jacinto Tanduyan, ang Secretary General ng Kilusang Mayo Uno (KMU) Caraga. Tinukoy nito, napagkasunduan kanina kasama ang mga opisyal ng Phil Ports Authority at THPAL epektibong alas 7 ng umaga bukas Biyernes Setyembre 15, ang mga na-hostage na kargamento ang papayang makalabas na. Samantalang ang ibang kargamento ng ibang mga negosyante ang subject for arrangement pa kung anong oras makukuha bukas. Dagdag pa nito, kahit na pinayagan na nilang makalabas ang mga kargamento, magpapatuloy ang welga ng Surigao Dockworkers Union laban sa management sa Prudential Customs Brokerage Services Inc.(PCBSI) Kung matatandaan kaninang umaga, isang commotion ang nangyari sa labas ng PPA nang hinarang ng mga Dockworkers ang sasakyan ng THPAL lulan ang kanilang mga kargamento. Ang welga ang umabot na sa 21 araw na kung saan may iilang demands ng Dockworkers ang hindi ibinigay ng PCBSI.
Mga cargoes na nasa loob ng PPA Surigao Del Norte nakatakdang makalabas na bukas
Facebook Comments