Mga carnapper umiskor kagabi

14

Muling umarangkada ang mga carnapper ng motorsiklo sa cot.city kagabi kung saan isang honda XRM-125 na kulay yellow ang natangay na may plakang MA 20891.
Nakilala ang biktima nasi Eduardi Tolentino 60 anyos, isang guro na residente ng Mentors Village barangay RH-11 ng lungsod.
Ayon sa report, dakong 6:45 kagabi ay ipinarada lamang ng biktima ang kanyang motorsiklo sa parking area ng Chef Mel Resto sa sinsuat avenue at makalipas ang ilang minuto makaraan siyang kumain ng matuklasan nitong nawawala na ang XRM..
Sinikap pa nitong hanapin sa katabing establishemento ang motorsiklo subalit nabigo siyang makita ito hanggang dumulog na lang siya sa kapulisan.Hanggang sa ngayon ay patuloy pang hinahanap ng kapulisan ang motorsiklo.

Facebook Comments