Mga Caviteños at Bulakeños, nagpakita ng matinding suporta kay VP Leni Robredo

Mainit ang naging pagtanggap ng mga Caviteño at Bulakeño kay Vice President Leni Robredo nang siya ay bumisita sa kanilang probinsya nitong linggo.

Puspusan ang naging paghahanda ng mga taga-suporta ni Robredo, kabilang na ang ilang lokal na opisyal ng Cavite at Bulacan sa pagbisita ng Pangalawang Pangulo.

Bumaha ng kulay pink sa mga bayang binisita ni VP Leni sa Cavite at Bulacan.


Ang mga residente, nagsuot ng kulay pink na damit, nagwagayway ng mga pink balloons at mga bandera habang sila ay masigasig na naghintay sa pagdaan ni VP Leni sa kanilang ginawang stationary caravans of hope.

Kasabay ng kaniyang pagdalo sa Bulacan, idinaos ng opisina ni VP Leni, kasama ang lokal na pamahalaan ng Malolos, ang Vaccine Express sa lungsod para mabakunahan ang 1,000 na residente na pasok sa A1 hanggang A5 category.

Pinangunahan rin ni VP Leni ang pagsindi ng pink na Christmas tree sa labas ng makasaysayang Barasoain Church na gawa mismo ng kaniyang mga taga-suporta sa Malolos.

Buong-buo rin ang suporta ng mga opisyal ng Malolos City at pinailawan ng pink ang kanilang city hall nang dumalo si VP Leni sa lugar.

Sa Cavite naman, sinamahan ng kaniyang running mate at vice presidential candidate na si Sen. Kiko Pangilinan at mga miyembro ng kanilang senatorial ticket na sina Atty. Chel Diokno at Atty. Sonny Matula si VP Leni para personal na pasalamatan ang mga Caviteños for Leni at iba pang grupo.

Facebook Comments