Mga Cebuano pinayuhan na maging kalmado ngayunit alerto, sa gitna ng travel advisory na ipinalabas ng US embassy laban sa Cebu at Bohol

Cebu, Philippines – Pinayuhan ni Cebu City Councilor at deputy Mayor for Peace and Order Dave Tumulak, ang publiko na mananatiling kalmado ngunit alerto, bunsod ng pagpalabas ng travel advisory ng US embassy sa kanilang mga American citizens sa posibleng kidnapping incidents na umanoy plano ng mga terrorist group.

Ayon kay Tumulak na bago paman ang travel warning, ipinatupad na ng Kapulisan sa lungsod ng Cebu ang mahigpit na seguridad lalo na ngayong Semana Santa.

Inamin ni Tumulak na maaring ika-alarma ng mga Cebuano ang travel warning at sa business sectors lalo na ang may konektado sa tourism business.


Noong Abril 9, nagpalabas ang US embassy ng travel advisory sa kanilang citizens na maging alisto dahil sa umanoy tangkang pagkidnap ng mga terrorist group sa Cebu at Bohol.

Ngunit nilinaw ng Police Regional Office-7 na wala silang direkatang banta ng seguridad na natanggap tungkol sa umanoy planong kidnapping ng mga terrorist group.
Nation”

Facebook Comments