Mahigpit ang utos ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Guillermo Eleazar sa mga chief of police at unit commanders na bantayan ang mga matataong lugar sa kanilang mga nasasakupan.
Ito ay dahil sa inaasahan nilang pagdagsa ng mga tao sa mga pasyalan at iba pang pampublikong lugar dahil sarado ang mga sementeryo ngayong Undas.
Ayon sa PNP chief, bilin niya sa mga pulis na makipag-ugnayan sa pamunuan ng mga estabilsyimento maging sa mga Local Government Unit (LGU) para magpatupad ng health protocol.
Pinaalalahan din nya ang publiko na alamin muna ang requirements bago bumisita sa mga pasyalan upang maiwasan ang aberya.
May mga pasyalan kasi na nangangailangang magpakita ng vaccination cards habang ang iba naman, hindi pinahihintulan ang pagpasok ng mga bata o menor de edad.