Palasyo, tiniyak na nakonsulta ang iba pang LGUs na magpapatupad na rin simula ngayong araw ng Alert Level system

Tiniyak ni Presidential Spokesperson Sec. Harry Roque na nakonsulta ang iba pang rehiyon sa bansa na nagpapatupad na rin ngayon ng Alert Level system.

Reaksyon ito Roque dahil noong unang ipinatupad ang Alert Level system sa labas ng Metro Manila ay umalma ang League of Provinces of the Philippines (LPP) dahil hindi umano nakonsulta ang mga Local Government Unit.

Ayon kay Roque, nasabihan na ang mga concern LGU bago ito tuluyang ipatupad ngayong araw.


Matatandaang base sa pinakahuling Inter-Agency Task Force o IATF Resolution, palalawigin na ang pilot implementation ng Alert Level system sa Region III, VI, at X simula ngayong araw habang ang Baguio City naman ay ikakategorya bilang area for special monitoring.

Facebook Comments