Mga Chinese, arestado sa gun ban

163

4 na Chinese nationals ang inaresto sa Las Piñas City dahil sa paglabag sa Commission on Elections (COMELEC) gun ban.

Kinilala ang mga naarestong Chinese na sina Zhao Yi, 32 years old, businessman; Zheng Chao, 32 years old, businessman; Zhuang Zhi, 34 years old, businessman, at Li Xue, 32 years old, businesswoman.

Ang mga nadakip na Tsino ay pawang nakatira sa Avida Tower, Alabang, Muntinlupa City.


Sila ay nahaharap sa mga kasong illegal possession of firearm in relation to Omnibus Election Code, alarms and scandal, reckless imprudence resulting to damage to property at obstruction of justice.

Batay sa report, binangga ng mga suspek ang gate ng Inner Circle Home Owners Association Inc., sa BF Homes, Brgy. Almanza Uno, Las Piñas City matapos silang hindi papasukin ng gwardiya ng subsivision dahil walang sticker ang kanilang sasakyan.

Rumesponde naman ang barangay officials sa lugar at doon na natuklasan na may dalang baril ang mga Chinese nationals.



Facebook Comments