Wala raw dapat ikatakot ang mga chinese national na manirahan at maghanapbuhay sa bansa kung dumaan naman sa Legal na proseso.
Sa kanyang pagharap sa mga Chinese Businessmen sa China Town sa Binondo Maynila hinimok ni dating SAP Bong Go ang mga ito na huwag magdalawang isip na ilapit sa gobyerno ang kanilang problema para agad matugunan.
Pero banta nito na kapag gumawa ng ilegal na aktibidad ang sinumang Chinese natl siya mismo ang manguna para ipahuli sila sa mga otoridad .
Nagpakita naman ng buong suporta ang mga negosyanteng tsinoy , mga zone chairmen at mga Barangay Chairman sa Maynila sa kandidatura ni GO .
Facebook Comments