Naniniwala ang isang Chinese Filipino historian na hindi magpapakasubo sa giyera ang mga Chinese lalo na at wala silang karanasan sa pakikidigma.
Sa lingguhang Kapihan ng Samahang Plaridel, sinabi ni Michael Charleston “Xiao” Briones Chua, professor sa De La Salle University, na walang kaalaman sa pakikipaggiyera ang mga Chinese.
Batid aniya ng mga Chinese na mamumroblema lamang sila sa sandaling makipagdigma sa mga Filipino lalo pa at mahuhusay sa guerilla warfare ang mga Pinoy.
Sinabi rin ni Xiao na maraming uri ng pagsakop o invasion kagaya kultura, pagkain at negosyo na ginagawa mula noon at hanggang ngayon.
Paliwanag ni Xiao na mas pruproteksiyunan ng mga Chinese ang kanilang business interest sa Pilipinas sa halip na sumali sa gulo.
Aminado rin si Xiao na mahirap i-diffuse ang mga pahayag ng Pangulo sa mga usaping may kinalaman sa Tsina lalo na at maaaring ihayag ng Malacañang na na nagbibiro lamang ang Punong Ehekutibo.