Territorial dispute hindi deadlock sa pagitan ng Pilipinas at China

Hindi nakikitang deadlock o dead end ng Palasyo ng MalacaƱang ang issue ng territorial Dispute sa South China Sea.

Ito ang sinabi ng Malacanang sa harap narin ng naging pahayag ni Chinese President Xi Jinping sa bilateral meeting nila ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi nito kinikilala ang pagkapanalo ng Pilipinas sa arbitration court kaugnay sa territorial dispute habang isinulong din naman ni Pangulong Duterte ang pagkapanalo ng Pilipinas sa kanyang pulong kay President Xi.

Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel at Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo, hindi maituturing na deadlock ng pamahalaan ang issue dahil mismong ang China naman ang nagsabi na bukas sila sa negosasyon at gayon din naman ang Pilipinas.


Sinabi ni Panelo na lahat naman ng issue na ito ay paguusapan sa isang negosasyon upang magkaroon ng isang kasunduan na magreresolba ang mga sinasabing irritants o challenges sa issue sa pagitan ng Pilipinas at China.

Facebook Comments