Mga Chinese POGO workers, takot mapa-deport kaya hindi iniuulat ang mga insidente ng kidnapping ayon sa PCCCII

Muling nanindigan ang Philippine Chinese Chamber of Commerce and Industry Inc. (PCCCII) sa kanilang datos na may nangyaring 56 kidnapping incidents sa loob lamang ng sampung araw.

Sa pagdinig ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs kahapon, sinabi ni PCCCII Secretary General Bengsum Ko na takot lamang mapa-deport ang mga tsinong nagtatrabaho sa Philippine Offshore Gaming Operations (POGO) kaya hindi ito naiuulat sa pulisya.

Ayon kay Ko, iligal ang POGO sa China kaya ang sinumang sangkot sa ganitong kalakaran ay hindi nagpapasaklolo sa mga kinauukulan sakaling dakpin man sila.


Sinabi naman ni Philippine National Police (PNP) Deputy Chief for Administration Police Lieutenant General Jose Chiquito Malayo, na hindi naman mapatunayan ng grupo kung kailan at saan nangyari ang mga naitalang insidente ng kidnapping.

Hinimok naman ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa na magtulungan ang PNP at PCCCII hinggil sa isyu.

Facebook Comments