Isang bangkay, natagpuan sa lumang bahay sa Navotas

131

Isang bangkay ang natagpuan ng mga otoridad sa abandonadong bahay sa Navotas City.

Partikular sa may bahagi ng M. Naval Street sa Brgy. San Jose.

Sa imbestigasyon, isang Jonathan Cadorna na security guard sa Prime Pacific ang nagkwento na nakita ang nasabing bangkay ng isang concerned citizen kaya’t agad niya itong sa mga pulis.


Nakita pa ng mga otoridad ang bangkay na nakasiksik sa loob ng nasabing abandonadong bahay.

Ang biktima ay nakasuot ng puting sleeveless shirts at tila naaagnas na ang katawan nito kaya’t posibleng matagal na itong namatay.

Facebook Comments