Laborer, Patay matapos Hampasin ng Kainuman!

Cauayan City, Isabela- Patay ang isang laborer matapos itong hampasin ng buho ng kanyang kainuman sa Brgy. Zone 3, Research Minante 1, Cauayan City, Isabela.

Kinilala ang biktima na si Joseph Bautista, 54 anyos, walang asawa habang nakilala naman ang suspek na si Robert Tagaca, 55 anyos, may asawa, construction worker na kapwa residente ng nasabing barangay.

Ayon sa imbestigasyon ng PNP Cauayan City, nang makaubos ng ilang bote ng alak ang dalawa ay nagkaroon ang mga ito ng maiinit na pagtatalo.


Napikon ang suspek kaya’t agad nitong kinuha ng kawayan na malapit sa kanilang pinag-iinuman at inihampas sa batok ng biktima.

Bumulagta ang biktima na agad namang nirespondehan ng Rescue 922 subalit hindi na ito umabot ng buhay sa pagamautan.

Boluntaryo namang sumuko sa pulisya ang suspek na ngayon ay nasa kustodiya ng kapulisan at siya’y nahaharap sa kasong Homicide.

Facebook Comments