Nagpositibo sa Paralytic Shellfish Poison (PSP) o mas kilala sa tawag na red tide toxin ang mga coastal area ng siyam na probinsya sa bansa.
Ito ang lumabas sa isinagawang pagsusuri ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) at Local Government Units matapos makakuha ng shellfish sample.
Kabilang sa may mataas na red tide toxin ay ang mga coastal waters ng:
• Dauis at Tagbilaran City sa Bohol
• Biliran Island
• Daram Island, Maqueda, Villareal, Cambatutay, Irong-Irong, at San Pedro Bays Sa Western Samar
• Cancabato Bay, Tacloban City sa Leyte
• Matarinao Bay sa Eastern Samar
• Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur
• Baroy sa Lanao del Norte
• Lianga Bay sa Surigao del Sur
• Mariveles, Limay, Orion, Pilar, Balanga, Hermosa, Orani, Abucay at Samal sa Bataan.
Babala ng BFAR, ang mga shellfish na makukuha sa mga coastal waters na ito ay nakakalason o hindi ligtas na kainin ng publiko.
Samantala, wala naman ng red tide sa coastak waters ng Carigara Bay at sa Leyte.