Pinapaimbestigahan ng Citizens Crime Watch (CCW) sa Department of Information and Communications Technology (DICT) ang ilang colorum na courier services sa bansa.
Sa isang letter complaint na ipinadala kay DICT Secretary Gregorio Honasan, idinetalye ni CCW President Diego Magpantay ang mga paglabag sa batas ng mga courier services.
Tinukoy ni Magpantay ang mga sumbong na ginagamit sa paghahatid ng illegal drugs o illegal na kontrabando ang mga colorum na courier services.
Marami rin aniya ang ipinarating sa kanilang reklamo hinggil sa hindi naide-deliver na inorder na item sa online shopping.
Aniya Magpantay, abot sa isang daan ang unauthorized courier services ang nag-ooperate sa kasalukuyan.
Bagama’t hindi niya muna pinangalanan, karamihan sa mga courier ay nabigyan ng lisensya sa National Capital Region (NCR) pero o-operate sa buong bansa.
Sa kabila aniya ng mga anomalyang nangyayari ay hindi kumikilos ang DICT para gamitin ang regulatory powers nito na siyasatin ang naturang mga nakababahalang aktibidad.