Mga commercial hog breeders, bibigyan na rin ng insurance premium subsidy upang makumbinsing makibahagi sa repopulation efforts ng DA

Pagkakalooban na rin ng insurance premium subsidy ang mga commercial hog raisers bilang bahagi ng repopulation efforts ng Department of Agriculture.

Sa virtual presser sa DA, sinabi ni Dr. Ruth Sonaco, Director ng Nationall Livestock Program ng DA na layon nito na makumbinsi ang mga commercial hog raisers na mag-expand o muling ibalik ang sigla sa kanilang pag-aalaga ng mga finishers o pinatatabang baboy para sa pork meat requirements.

Layon aniya nito na mabilis na makamit ang carcass recovery o kinakatay na baboy na nawala dahil sa African Swine Fever (ASF).


Ayon kay Sunico, nabawasan ng 3-M ang nawalang baboy magmula ng magka-ASF.

Sa ngayon aniya ay mayroong 8.5-M na finishers o nagpapataba ng baboy at 1.5-M na breeders target na masasakupan ng insurance premium subsidy mula 2021 hanggang 2023.

Nauna nang naglaan ang DA ng ₱400-M para sa repopulation ng baboy sa mga lugar na nalinis na sa banta ng ASF.

Kabilang dito ang MIMAROPA, Region 6, 7 at 9.

Plano ng DA na makapagbuo ng mga swine multiplier farms sa pamamagitan ng clustering o village-level approach.

Ito ay bubuuin ng 20 hog farmers na pagkakalooban ng tig- li-limang piglets, animal feeds at biologics o gamot

Facebook Comments