Mga commuter at manggagawa sa sektor ng transportasyon, mahihirapan sa minamadaling modernisasyon ng pampublikong transportasyon sa Metro Manila ngayong pandemya, ayon kay VP Leni Robredo

Naniniwala si Vice President Leni Robredo na lalong titindi ang kalbaryo ng mga commuter kung ipipilit ang modernisasyon sa gitna ng umiiral na pandemya.

Sa isang statement, sinabi ni Robredo na maganda ang hangarin sa likod ng pagsasaayos ng pampublikong transportasyon sa Metro Manila, pero hindi umano dapat bigyan ng karagdagang pabigat ang mga pasahero at driver.

Giit ng bise presidente, kalbaryo ang aabutin ng mga commuter lalo pa’t may banta sa kalusugan.


Dagdag gastos sa mga pasahero ang paggamit sa mga integrated terminals para lumipat ulit ng ibang mode of transport para maghahatid sa kanila papuntang Metro Manila.

Facebook Comments