Mga commuters sa mga bus terminal at paliparan mas educated at kalmado na ayon sa PNP

Hindi na mga pasaway ang mga pasahero sa mga bus terminal at paliparan.

 

Ito ang naging obserbasyon ni PNP Chief Police General Oscar Albayalde matapos na maginspeksyon sa mga bus terminaL sa Araneta center sa Cubao at Pasay City, PITX at NAIA.

 

Ayon kay Albayalde kapansin pansin ang pagiging mas educated na ng mga pasahero dahil matyaga na silang pumipila at naghihintay.


 

Wala na rin daw nahuling  pasahero na nagbitbit ng mga ipinagbabawal sa bus terminal at paliparan.

 

Malaki aniya ang naitulong ng presensya ng mga pulis o ang paglalagay ng mga Police assistance desk katuwang ang iba pang ahensya ng gobyerno para maging smooth ang pagsakay ng mga pasahero sa mga public transport.

 

Napakaimportante ayon kay Albayalde na maramdaman ng mga pasahero na ligtas silang sumakay sa public transport kaya umikot sila ang nagsagawa ng inspeksyon.

 

Sa ngayon naka full alert na ang PNP sa buong National Capital Region habang ipinauubaya naman ni Albayalde sa mga PNP Regional directors ang pagtataas ng alerto sa kanilang area of responsibility kung kinakailangan.

Facebook Comments