Mga congressmen na hindi boboto sa death penalty, hindi tatanggalin sa supermajority

Nilinaw ng Liderato ng Kamara na hindi aalisin sa supermajority ang mga kongresistang boboto ng ‘No’ o mag-a-abstain sa botohan sa death penalty bill na nakatakdang gawin mamayang hapon.

 

Giit ni Speaker Pantaleon Alvarez na wala siyang intensiyon na tanggalin sa hanay ng super majority ang kanilang miyembro na sasalungat sa polisiya ng administrasyon para sa parusang kamatayan.

 

Ang tangi lamang na aalisin ay ang Committee Chairmanship para sa mga hindi susuporta sa parusang kamatayan pero hindi ang pagiging miyembro nila ng supermajority.

 

Samantala, para sa Speaker,  dapat hindi na patagalin pa ang pagbitay sa sinumang mahahatulan sa ilalim ng maipapasang death penalty law.

 

Ito umano ang paraan para hindi dumanas ng matinding trauma ang pamilya ng mga death convicts dahil sa matagal na paghihintay kung matutuloy ba o hindi ang pagpapataw ng parusang kamatayan dito.

Facebook Comments