Mga construction equipment ng isang kompanya sa Bukidnon sinunog ng NPA

Nananawagan ngayon ng people power ang mga sundalo mula sa 403rd Infantry Brigade ng Philippine Army laban sa mga teroristang New Peoples Army (NPA) dahil sa patuloy na panggugulo ng mga ito.

Ayon kay Brig. Gen. Edgardo De Leon commander ng 403rd Bridage,  alas 2:30 ng madaling araw kanina nagising na lamang ang mga empleyado ng Venray Construction Corporation dahil nasusunog na ang kanilang trak, grader at backhoe sa kanilang field office sa Barangay Cabangahan, Malaybalay.

Agad na kumuha ng fire extinguisher ang mga trabahador para mapigilan ang pagkalat ng apoy at rumesponde naman agad ang mga bumbero.


Tumakas naman agad ang mga NPA matapos ang panununog.

Sinabi ni Brig. Gen. De Leon, sunod-sunod na ang ginagawang pag-atake ng NPA hindi lang sa Bukidnon kundi sa iba’t-ibang parte ng bansa.

Kaya dapat aniyang pagpaliwanagin ang pamunuan ng CPP-NPA kung bakit hindi nila madisiplina ang kanilang hanay dahil nadadamay ang mga inosenteng sibilyan.

Facebook Comments