Mga construction worker na gumagawa sa mga proyekto ng lokal na pamahalaan ng Maynila, nais pabakunahan ng booster shot ni Mayor Isko Moreno

Nais ngayon ni Mayor Isko Moreno na pabakunahan ng booster shot ang mga construction worker na gumagawa sa mga proyekto ng lokal na pamahalaan ng Maynila.

Nabatid na napag-desisyunan ito ni Mayor Isko matapos na mag-inspeksyon sa ginagawang building sa Manila Science High School sa Taft avenue kung saan dito niya nalaman na hindi pa natuturukan ng booster shots ang lahat ng mga construction workers.

Ayon sa alkalde, magtatakda siya ng araw para sa pagbabakuna ng booster shots ng mga nasabing trabahador at gagawin ito sa mga construction sites kung saan sila nakadestino.


Ito’y upang hindi maaabala ang trabaho ng bawat construction workers at hindi na rin sila lumiban o um-absent sa trabaho.

Paraan ito ni Mayor Isko upang maging ligtas sa COVID-19 ang mga construction workers at maging maayos ang kanilang kalusugan upang sa gayun ay hindi maantala ang mga proyekto ng lokal na pamahalaan ng Maynila.

Facebook Comments