SRA ng mga healthcare workers, pinadaragdagan

Pinadaragdagan ni Deputy Speaker Loren Legarda ang special risk allowance (SRA) ng mga healthcare workers sa harap na rin ng dumaraming kaso ng Omicron variant.

Inihain ni Legarda ang House Bill 10621 o ang Special Risk Allowance for all Health Workers Act of 2021 kung saan makakatanggap ng monthly special compensation ang mga health frontliners sa panahon ng state of public health emergency.

Ang nasabing SRA ay katumbas ng hindi hihigit sa 25% ng monthly basic salary at exempted pa sa income tax.


Binigyang diin ng kongresista na napakahalaga ng buhay ng mga doktor, nurse, medical technologist at iba pang health workers sa mga pagamutan sa bansa, habang nakikipaglaban tayo sa COVID-19.

Kinalampag ng Antique lady solon ang Kongreso na aksyunan agad ang panukala para sa dagdag na kompensasyon ng mga frontline health workers.

Facebook Comments