Mga consumer, hinimok ng gobyerno na mamili sa malalaking supermarkets para mas makatipid

Mas mababa pa sa itinakdang Suggested Retail Price (SRP) ang ilang mga ibinibentang produkto sa malalaking supermarkets at groceries.

Ito ang inihayag sa Laging Handa briefing ni Trade and Industry Usec. Ruth Castelo sa harap ng patuloy nilang pagmo-monitor ng SRP sa iba’t ibang mga pamilihan.

Ayon kay Castelo, lumalabas na may ilang mga produkto na mas mababa pa ng dalawang piso kaysa sa itinatakda nilang SRP ang ibinibenta sa malalaking supermarkets.


Ang iba ngang produkto dagdag ni Castelo ay hanggang ₱4 pang mas mababa sa SRP.

Kaya para makatipid o makasigurong naayon sa SRP ang item na bibilhin ng mga consumers, ipinayo ni Castelo na sa mga malalaking pamilihan o sa wholesalers pumunta at bumili ng kailangan.

Facebook Comments