Mga contractors at private firms na hindi tinatapos ang mga road construction, pinahaharap sa mahigpit na parusa

Hiniling ng isang kongresista sa Kamara na higpitan ang alituntunin at pagbayarin ang mga contractors at private firms na iniiwan na hindi tapos ang mga road construction.

Naniniwala si Buhay Reo Lito Atienza na sa ganitong paraan ay madidisiplina at mapapabilis ang mga konstruksyon ng mga kalsada at lansangan.

Nanawagan si Atienza sa Malakanyang na mag-isyu na rin ng Executive Order sa mga contractors at utility firms na hindi tinatapos ang mga proyekto sa daan tulad sa ginawang road and sidewalk clearing operations sa mga Local Goverenment Units pababa sa mga barangay.


Inirekomenda ni Atienza na patawan ng pagtaas sa hourly fees ang mga contractors at kumpanya upang hindi nila i-delay ang pagkukumpuni sa mga lansangan.

Iminungkahi rin ng mambabatas na pagbayarin ng extra charges ang mga ito na nagtatrabaho sa daan ng weekdays sa halip na tuwing weekends lamang.

Iginiit pa ni Atienza na hindi kailangan ng emergency powers ng Pangulo para lamang solusyunan ang mga problema sa traffic sa bansa at korapsyon na umiiral sa mga lansangan.

Facebook Comments