Mga court personnel, pinag-iingat sa pagpo-post sa social networking sites

Manila, Philippines – Binalaan ng Office of the Court Administrator ang mga hukom at court personnel sa buong bansa na maging maingat sa pagpo-post ng kanilang saloobin sa social media.

Ito ang laman ng OCA Circular ‎173-2017 na inilabas ni Court Administrator Jose Midas Marquez.

Ayon kay Court Administrator Marquez, ang paggamit ng social networking sites, tulad ng Facebook, Twitter at Instagram ay pagpapahayag ng freedom of expression.


Pero dapat paring limitahan ng mga judges at court personnel ang pagpo-post ng kanilang mga views, comments at pages-share nila ng personal photographs, updates sa kanilang mga social networking sites.

Paliwanag ni Marquez, salig sa Section 6 ng New Code of Judicial Conduct dapat panatilihin ang dignidad at pagiging indepent ng hudikatura.

Sakop ng naturang kautusan ang judges and court personnel sa first and second level courts.

Ang first level courts ay kinabibilangan ng Metropolitan Trial Courts, Municipal Trial Courts, Municipal Trial Courts in Cities, and Municipal Circuit Trial Courts at Shari’a Circuit Courts.

Habang ang second level courts ay Regional Trial Courts at Shari’a District Courts.

Facebook Comments