MGA COVID-19 BORDER CONTROL CHECKPOINTS SA PANGASINAN, NANATILI PA RING VISIBLE SA KABILA NG PAGLUWAG NG RESTRICTIONS

Nanatili pa ring visible ang lahat ng mga border control checkpoints ng COVID-19 sa lalawigan ng Pangasinan.
Sinabi ni PCol. Jeff Fanged, PNP Pangasinan Director sa Sangguniang Panlalawigan, patuloy pa ring may nagtatao sa mga checkpoints ng COVID-19 sa kabila ng pagluwag ng quarantine restriction sa lalawigan.
Dagdag pa niya ginagamit umano nila ngayon ang 18 existing border control checkpoints sa Pangasinan bilang anti-criminality checkpoints kung saan nagagamit umano nila ito upang mapadali ang kanilang pag-obserba sa anti-criminality.

Aniya, nirerequire pa rin umano ng command center mula sa National Headquarters para i-maintain ang mga checkpoints sa lalawigan at wala naman umanong nakikitang problema dito.
Mayroong umanong 73 personnel ang Pangasinan PNP na nakabantay sa mga quarantine border checkpoints sa lalawigan.
Ayon pa kay Fanged, 100% vaccinated and boosted ang kapulisan sa Pangasinan.
Samantala, nananatili pa ring nasa alert level 1 status ang Pangasinan dahil sa patuloy na pagbaba ng mga naitatalang kaso ng COVID-19. |ifmnews
Facebook Comments