Umabot na sa 361 na pasyente ng COVID-19 mula sa 26 na ospital sa bansa ang nakikiisa sa solidarity trial ng World Health Organization (WHO) na layong makahanap ng bakuna laban sa nasabing virus.
Base sa ika-14 na weekly report ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Kongreso, sinabi nito na naglaan ang pamahalaan ng halos P30 milyon para sa isang taong proyekto na gagamitin para sa 500 pasyente.
Kabilang sa mga gamot na ginagamit na ng national institute of health ng bansa ay ang Remdesivir, Malaria drug na Hydroxychlorouine, HIV drugs na Lopinavir/Ritonavir at kumbinasyon ng Lopinavir/Ritonavir at Interferon.
Maliban dito, nakasaad din sa report ang pagkuha ng gobyerno ng mahigit 4,000 health workers para COVID-19 response.
Una nang inaprubahan ng Pangulo ang pagkuha sa 8,555 na healthcare workers sa ilalim pa rin ng “Bayanihan to Heal as One Act.”