Nagbabala ang isang eksperto sa pag-inom ng hydroxychloroquine laban sa COVID-19.
Ayon kay University of the Philippines (UP) Manila Dean Dr. Charlotte Chiong, ilang Pilipino na uminom ng hydroxychloroquine ang nagkaproblema sa kanilang pandinig.
Aniya, dapat maging mas mahigpit ang mga botika sa pagbebneta nito at iba pang prescription medicine.
Ang hydroxychloroquine ay isang gamot para makaiwas o gamutin ang malaria.
Una nang hininto ang paggamit ng hydroxychloroquine sa mga COVID-19 patient sa Pilipinas matapos sabihin ng World Health Organization na maaaring mamatay ang pasyente rito.
Facebook Comments