Mga COVID-19 patients sa mga ospital, nabawasan – DOH

Nabawasan na ang bilang ng mga na-o-ospital dahil sa COVID-19 sa National Capital Region (NCR).

Ayon kay Department of Health (DOH) Spokesperson Maria Rosario Vergeire, patuloy na bumababa ang hospital at Intensive Care Units (ICU) utilization rate sa NCR na maituturing ng nasa “low risk.”

Aniya, malaking factor nito ang nag-i-improve na vaccination coverage sa bansa at napapanatili ang detection to isolation nang apat na araw.


Sa kabila nito, nagpaalala si Vergeire sa publiko na hindi dapat magpakakampante dahil nandyan pa rin ang banta ng COVID-19.

Facebook Comments