Pangulong Duterte, nanawagan ng dasal sa mga nasawi sa COVID-19 at mga frontliners

Nanawagan si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga Pilipino na ipagdasal ang mga nasawi sa COVID-19 at mga frontliners na nagsasakripisyo sa gitna ng pandemiya kasabay ng All Saints day at All Souls Day.

Sa kanyang mensahe, sinabi ng pangulo na ang tradisyong ito ay sagisag ng matatag na paniniwala at tradisyon ng mga Pilipino at nakikiisa ito sa lahat ng Katoliko sa buong mundo sa paggunita ng Undas.

Magsilbi sana aniya ang okasyong ito para magnilay-nilay ang lahat at magpasalamat dahil nananatiling buhay at ligtas sa kabila ng banta ng nararanasang pandemya.


Kumpiyansa naman si Pangulong Duterte na malalampasan ng mga Pilipino ang pinagdadaanang matinding pagsubok ngayon at mas magiging matatag bilang isang bansa.

Facebook Comments