Epektibo pa rin ang kasalukuyang bakuna sa bansa laban sa bagong lumabas na BQ.1 subvariant ng Omicron.
Ito ang sinabi ni Dr. Edsel Salvana, infectious disease expert sa Laging Handa briefing.
Paliwanag ng eksperto, ang mga kasalukuyang bakuna laban sa COVID-19 ay nanatiling epektibo para maiwasan ang severe o malalang epekto ng COVID-19.
Pero maaari pa ring mahawa kahit pa may bakuna na, katulad di aniya ang sintomas ng BQ.1 sa mga naunang nang omicron subvariant na BQ.1 at BQ.1.1.
Kung bakunado aniya at may booster shot ay makakaranas lang ng mild symptoms sakaling magpositibo.
Kaya mahalaga ayon kay Dr. Salvana na magpa-booster shot at magsuot pa rin ng facemask.
Facebook Comments