Bababa talaga ang efficacy ng mga bakuna sa mga bagong COVID-19 variants.
Ito ang nilinaw ng pinuno ng Vaccine Expert Panel na si Dr. Nina Gloriani sa gitna ng banta ngayon ng Delta variant na mas nakakahawa kumpara sa mga naunang strain ng virus.
Sa interview ng RMN Manila, ipinaliwanag ni Dr. Gloriani na kahit bumaba ang efficacy rate ay kinakailangan pa rin ang mga COVID-19 vaccines lalo na’t napipigilan pa rin ng mga ito ang severe cases.
Kasunod nito, umaasa naman si Gloriani na magkakaroon na tayo ng kakayahan upang masuri kung gaano kaepektibo ang mga COVID-19 vaccines sa ibang variants dito sa Pilipinas.
Sa ngayon kasi ay mga datos lamang ng ibang bansa ang ating pinagbabatayan para sa sinasabing efficacy rate ng mga bakuna.
Facebook Comments