Mga crew ng BRP Cabra at BRP Bagacay na nagligtas sa mga Pilipinong sundalo na hinarass sa resupply mission, ginawaran ng pagkilala ng PCG

Courtesy: Philippine Coast Guard

Ginawaran ng pagkilala ng Philippine Coast Guard (PCG) ang mahigit pitumpung tauhan na nagligtas sa mga Pilipinong sundalo na kinuyog ng China Coast Guard habang nasa resupply mission sa Ayungin Shoal.

Isinagawa ang seremonya sa Buliluyan Port sa Bataraza, Palawan kung saan personal na ibinigay ni PCG Commandant Admiral Ronnie Gavan ang distinguished Coast Guard Cross at Ribbon ng sa mga crew ng BRP Cabra at BRP Bagacay.

Ang dalawang barko ng PCG ay ginagamit sa pagsasagawa ng regular na maritime patrol para masiguro ang kaligtasan ng mga Pilipinong mangingisda sa West Philippine Sea.


Bukod sa pagpapatrolya, nagbibigay seguridad din ang BRP Cabra at BRP Bagacay sa mga resupply mission ng Armed Forces of the Philippines sa BRP Sierra Madre na nasa Ayungin Shoal.

Facebook Comments