Mga crew ng Chinese fishing vessel, inaresto ng maritime authorities ng Malaysia

Inaresto ng maritime authorities ng Malaysia ang nasa 60 Chinese nationals na sakay ng anim na fishing vessel.

Ito’y matapos silang pumasok sa karagatang sakop ng Malaysia na bahagi ng Eastern Coast ng Johor na malapit din sa boarder ng Singapore.

Nabatid na ang mga fishing vessels na rehistrado sa Qinhuangdao sa Northern China ay patungo sana ng Mauritania sa West Africa pero naharang ito ng mga otoridad.


Base naman sa datos na hawak ng Malaysia Maritime Authority, nasa 89 na kaso ng panghihimasok ng Chinese Coast Guard ang naitala simula pa noong 2016 hanggang 2019 kung saan isa rin ang Malaysia na sumasalungat sa claim ng bansang China sa pinagtatalunang teritoryo sa South China Sea.

Facebook Comments