Mga cruise liners, sususpendihin muna ang paghahatid ng mga turista sa Boracay

Plano ng Department of Tourism (DOT) na suspendihin ang pagpunta at paghahatid ng mga cruise liners ng mga turista sa Boracay.

Paliwanag ni Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat, nakatanggap sila ng mga reklamo mula sa mga residente at business establishments dahil sa pagdating ng mga cruise liners na may bitbit na libu-libong turista sa isla.

Ipinoprotesta pa ng mga taga-Boracay na wala namang iniaambag sa local government ang mga cruise liners.


Giit ni Puyat, dalawang buwan matapos ang re-opening ng Boracay ay gumawa ng paraan ang ahensya para mapanatili ang carrying capacity nito.

Ayon kay Puyat, ang carrying capacity ng Boracay Island ay nasa 19,215 kada araw at kahit wala ang mga cruise ships ay pasok pa rin ang bilang na ito sa mga turistang pumapasok sa isla.

Dahil dito, isa sa nakikitang solusyon para hindi lumagpas sa bilang ng carrying capacity ng isla ay isuspinde muna ng ahensya ang byahe ng cruise liners sa Boracay at bibigyan muna ang mga ito ng alternative tourist destinations.

Facebook Comments