Mga customer na hindi kinukuha ang in-order na pagkain, posibleng maparusahan

Balak ng kumpanyang Grab na parusahan ang mga pasaway nitong customer na hindi nagpapakita sa mga rider para kunin ang kanilang order.

Kasunod ito ng viral video sa social media kung saan hindi kinuha ng customer ang pinabili nitong pagkain na inabonohan pa naman ng rider.

Ayon kay Nicka Hosaka, tagapagsalita ng Grab – monetary penalty o pansamantalang hindi makakagamit ng kanilang food delivery service ang parusang maaari nilang ipataw.


Kasabay nito, nilinaw ng Grab na maka-cancel lang ang order sa loob ng limang minuto habang papunta pa lang ang rider sa store o restaurant na pag-o-orderan nito.

Otomatikong disabled ang cancel button kapag nasabi ng rider na naka-order na siya.

Plano rin ng Grab na maglagay ng food hub sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila para dito na ire-reimburse ng mga rider ang nagastos nila sa pag-order na hindi naman kinuha ng customer.

Facebook Comments