Tuesday, November 10, 2026

MGA CUSTOMIZED WHEELCHAIR AT LIBRENG CLEFT LIP AND PALATE (pah–leht) SURGERY, HATID NI CONG. ARTHUR CELESTE SA UNANG DISTRITO

Naghatid ng dagdag na ginhawa at bagong pag-asa si Pangasinan First District Congressman Arthur “Art” Celeste sa mga kababayan sa pamamagitan ng pamamahagi ng mga customized wheelchair at pagbibigay ng libreng operasyon para sa mga may cleft lip and palate o bingot at ngongo.

Personal na pinangunahan ni Cong. Celeste ang naturang medical mission na naglalayong matulungan ang mga indibidwal na may kapansanan at mga nangangailangan ng kaukulang serbisyong medikal.

Bukod sa pamamahagi ng mga customized wheelchair, isinagawa rin ang wheelchair assessment at hearing test upang matukoy ang angkop na tulong na kailangan ng mga benepisyaryo.
Kasabay nito, inanunsyo rin ng kongresista ang libreng operasyon para sa mga bata at indibidwal na may cleft lip and palate.

Isinagawa ang programa sa pakikipagtulungan ng Department of Health at Ilocos Training and Regional Medical Center o DOH-ITRMC.

Ayon kay Cong. Art Celeste, higit pa sa materyal na tulong ang layunin ng mga programang ito dahil hangad nitong mabigyan ng mas maayos na pamumuhay, dagdag na kalayaan at panibagong pag-asa ang mga kababayang nangangailangan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments