Mga dam na nagpakawala ng tubig, tututukan ngayon ng NDRRMC – bagyong Jolina papalabas na ng PAR

207

Manila, Philippines – Bagamat humina na at papalabas na sa PAR ang bagyong Jolina, nanatili pa rin ang red alert ang monitoring ng NDRRMC.

Ayon kay Ramina Marasigan, Spokesperson ng NDRRMC, dahil hila pa rin ni Jolina ang hanging habagat na magpapaulan pa rin mas nakatutok sila ngayon sa mga mababang lugar sa Isabela at Benguet matapos na magbukas ng limang gates ang Benguet Ambukalo at Binga Dam sa Benguet at ang Magat dam sa Ramon, Isabela.

Samantala, si bagyong Jolina ay humina na matapos lumabas sa kalupaan at malamang na lumabas na ng PAR pa West Nortwest ng Sinait Ilocos Sur.


Nasa signal number 1 naman ang Ilocos Sur, La union at Abra.

Bukas ay inaasahang nasa West Northwest na ito ng Laoag City sa Ilocos Norte.

Facebook Comments