Sa kabila ng banta ng Super Typhoon Betty, tiniyak ngayon ng PAGASA-DOST na hindi magpapakawala ng tubig ang mga dam.
Ayon kay PAGASA-DOST Hydro Meteorological Division Chief Engineer Roy Badilla, nananatili pa rin na mababa ang lebel ng tubig sa mga dam at ang pagbubukas ng mga gates nito ay nakabatay sa rainfall forecast
Halimbawa aniya sa Magat Dam na posibleng madagdagan lamang ng 50 millimeters.
Paliwanag pa ni Badilla, kahit pa itaas sa Orange at Red rainfall warning sa ilang lugar sa bansa sa Lunes dahil sa epekto ng Southwest Monsoon at ng Bagyong Betty, inaasahan naman nila ang malalakas na pag-ulan sa Northern at Extreme Northern Luzon.
Sa ngayon ay halos karamihan sa mga dam sa Luzon ay bumaba pa ang water level.
Facebook Comments