PCG sa Cagayan, nakaposte na kaugnay ng banta ng Bagyong Betty

Nakaposte na ang mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) sa Cagayan sa posibleng epekto ng Super Typhoon Betty.

Nakalabas na rin ang kanilang mga kagamitan para sa rescue at evacuation operations.

Maaga rin isinagawa ang inspeksyon sa mga kagamitan at sasakyan na gagamitin ng mga deployable response groups (DRGs).


Ang naturang pwersa ang tutulong sa mga lokal na pamahalaan para sa evacuation o rescue operations.

Facebook Comments